Ang Aking Eulogy
- wenmingtseng
- Mar 7, 2023
- 1 min read
Paki basa lang ito
Kapag magkabilang buhay na ako
Sa Cebu, Maynila o Albuquerque
Kung magsasamasama kayo
Maraming nangyari sa buhay ko
Sa araw na ito, nasa Quezon City ako
Nag aalmusal, kasama si Lego at Muji
Dalawang aso ng kapatid ko
Nakatayo ako sa harap ng mga tao
Nagkabilang buhay si ina
Ako daw magbigay ng eulogy
Sabi ni Vivian, touching
Tanong ko kay Bella kung may oras siya
Coffee, boba o jollibee?
Pwede daw, jollibee
Filipinang filipina siya
Bumisita kami sa Strip ng Las Vegas
Sige, subukan ko
Kapag may trabaho, lipat tayo
Natupat ang lahat. Bagong buhay
16 years ako sa Albuquerque
Isang maliit na siudad, walang Filipino food
Lumaki ang mga bata
Lumaki ang hanap ko ng Asian food
Crookston, Minnesota, malapit sa Canada
Para sa isang pinoy, ilagay mo na lang ako
Sa freezer ng bahay mo
Salamat sa green card, pero aalis ako
Michigan, natupat ang pangarap ni itay
I was ready to practice medicine
Naging tatay din ako
Isang item sa bucket list ko
Oklahoma. Masuerte kami
Walang tornado noong nan diyan kami
Naging estudyante uli
Walang katapusan ang pag aaral
Iyan ang buhay ko sa States
Naging Amerikano sa wika at passport
Pero Pinoy pa rin ako sa loob ng puso
Natabunan lang ng ibang kultura
Noong kakilala ko si Bella
Alam ko kung sino talaga ang inang bayan
Hindi siyang isang dragon
Kundi perlas ng silangan
Umalis ako, nagbiyahe, bumalik
Balikbayan ang tawak nila
Isang makata na naging doktor
Isang doktor na naging makata uli
Isang puso na nagmamahal
Isang puso na gustong tumulong
Isang puso na naghihinayang minsan
Isang puso na naghihintay ng pagmamahal
Comments