top of page
Search

Jollibee

  • Writer: wenmingtseng
    wenmingtseng
  • Jul 7, 2022
  • 1 min read


Si lolo talaga, matigas ang ulo!

Ayaw mag wheelchair, nakakahiya daw!

“Lo, sino ba siya? Bakit dito tayo. May Jollibee sa Vegas. Gusto ko, fish and chips,masarap daw!”

“Eh, iba to. Parehong Jollibee pero mas maganda ang kwento.”

“Kwento? Anong kwento? Siguro dating girlfriend mo!”

“Iba talaga itong apo ko, matalino, parang lolo niya!” Ngumiti si lolo.

Ayun , sa wakas, nakangiti si Lolo. Mula dumating kami sa Edinburgh kahapon, malalim ang isip niya.

“Lo, ano ang pangalan niya?”

“Ivy.”

“Saan mo ba nakilala?”

“Cubao.”

“Pilipino ba siya?

“Hindi, intsik.”

“Ah,”

“Sandali, ano ba to, interrogation ba o interview?”

Napatawa ako. Oo nga no, bat ganon ako. Eh, excited lang ako. 80 years old si lolo, hindi na nagbyabyahe, pero biglang gustong pumunta sa Edinburgh. Importante daw. At, nag business class pa kami.

“Lo, anong oras ba ang usapan?

“2pm”

Tiningnan ko ang oras sa phone.

3:00

“Lo, pilipino time?”

Nagalit siya.

“Don’t say that about her! She is always always on time!”

Wala na akong sinabi. Nakakahiya kasi, panay tingin sa amin ang tindera.

Si lolo naman, tingin ng tingin sa iPhone niya.

“What? No!”

Biglang sumigaw si lolo. Namula ang mukha niya. Umiyak.

“NO! NO! NO!”

Kinuha ko ang iPhone niya.

“Sir, sorry to inform you. My grandma had a heart. She just died 10 minutes ago. She knows you are waiting. Her last words were: Jo, mahal na mahal kita!”

 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2_Post

7027213978

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2022 by Benito Chang. Proudly created with Wix.com

bottom of page